Mga Libreng Kurso Mula Sa TESDA ONLINE
Sa panahon ng internet, naging madali ang paraan ng pagkatuto. Nagagawa na ngayon ng Technical Education and Skills Development Authority ng Pilipinas na isabay sa pagsulong na ito ang paghahatid ng libreng kaalaman sa nga Pilipino. Kahit nasaan kang panig ng Pilipinas o ng mundo, basta kunektado ka sa internet ay maari kang makinabang sa kanilang libreng TESDA Online Program sa e-TESDA.
Ang TESDA Online Program o TOP ay isang bukas sa lahat na mapagkukunan ng kaalamang pang-edukasyon na naglalayong ipaabot sa nakararaming Pilipino ang libreng teknikal na edukasyon.
Paano Magpatala sa E-TESDA?
Pumunta lamang sa http://e-tesda.gov.ph/login/signup.php at sundin ang mga sumusunod:
1. Pumili ng Username o pangalang nais gamitin sa pagpapatala
2. Pumili ng Passsword
3. Ilagay sa patlang ang isang aktibong e-mail adress
4. Ilagay ang pangalan at Apelyido (Note: Dapat Gumamit ng Tunay na Pangalan Dito)
5. Ilagay ang Adress
6. Tukuyin ang Rehiyon
7. Tukuyin ang pinakamataas na antas ng pagaaral na iyong natapos
8. Tukuyin ang kinabibilangang edad
9. Sagutin ang tanong pang-seguridad
10. Mag-login sa e-mail account na ginamit sa pagrerehistro
11. Hanapin ang mensahe mula sa e-Tesda
12. Kumpirmahin ang pagrerehistro sa pamamagitan ng pag-click sa link sa ipinadalang mensahe
Anu-anong Kurso ang Pwede Kong Pagaralan sa TESDA Online Program (e-TESDA)
Matapos makumpirma ang Account, maari ka nang mag-login gamit ang rehistradong username.
Pumili na ng kurso sa pamamagitan ng pag-click sa "Courses" sa navigation bar. Kabilang sa mga available na kurso ang mga sumusunod;
1. Agriculture - Fruit Grower
2. Automotive - Battery Servicing at Diesel Engine Tune Up
3. Electronics - Solar Light Assembly
4. Entrepreneurship - Managing Personal Finances at STAR Online Training Program
5. Health Care - Massage Therapy NCII (Swedish Massage, Shiatsu Massage, Thai Massage
6. Air Conditioning -Packaged Air Conditioner Unit Servicing
7. Information and Communication Technology - Animation, Basic Computer Operation, SMART Android Mobile Development for Beginners, SMART Technopreneurship, Web Development with HTML5 and CSS3
8. Microsoft Online Courses
9. Game Development
10. Udacity Google Courses
11. Udemy Courses
12. Lifelong Learning Skills - Job Interview Skills and Building Self-Confidence
13. Maritime - Ships` Catering NCII
14. Social, Community Development
15. Tourism
16. Bread and Pastry Production NCII
17 Cookery NCII
18. Food and Beverage Services NCII
19. House Keeping NCII
20. Trainers` Methodology I and II
Ang bawat kurso ay binubuo ng mga Module. Maari ka nang magsimula matapos magrehistro sa napili mong kurso. Makikita ang iyong pagunlad sa napili mong kurso sa iyong dashboard sa kaliwang sidebar. Maari ka ring mag-enroll sa iba pang kurso ng magkasabay at maari mo rin i-unenroll ang mga kurso.
Mga Katanungan
1. May bayad ba ang pag-enroll sa e-TESDA?
Wala po itong bayad. Ito po ay libre sa pangkabuuan at para sa lahat
2. Magkakaroon na ba ako ng Sertipiko pagkatapos ng aking online-courses?
Hindi Po. Wala pong ibinibigay na Sertipiko ang e-TESDA sa mga makakatapos ng isang kurso sa website. Kung nais mo pong makakuha ng Sertipiko para sa natapos na online-course, maari ka pong magpunta sa pinaka-malapit na TESDA Assessment Center kung PALAGAY NA PO KAYO SA INYONG KAKAYAHANG KUMUHA NG PAGSUSULIT.
Note: May bayad po ang pagkuha ng assessment sa TESDA.
Para sa iba pang katanungan makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na TESDA Center sa inyong lugar o tumawag/mag-email sa Contact Details na Matatagpuan sa e-TESDA WEBSITE
Sa ngayon ang TESDA Online Program ay may mahigig isang milyong (1,000,000 +) rehistradong estudyante na! Kaya magrehistro ka na rin at matuto ng libre sa e-TESDA!
Walang komento